Jan Micho

ARALIN 15:

Pagpapahayag ni Aguinaldo ng kalayaan ng Pilipinas :

Noong hunyo 12, 1898, sa balkonahe ng bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite ay naganap ang pinakaaasam-asam ng mga pilipino ang pagpapahayag ng kasarinlan. Libu-libong rebolusyonaryo mula sa iba;t ibang lalawigan ang dumalo sa makasaysayang araw na ito. Sila ang saksi sa madamdaming pagbasa ni Ambrosio Rianzares Bautisa ng deklarasyon ng kasarinlan. Sinundan ito ng pagtataas sa kauna-unahang pagkakataon ng bandilang Pilipino sa saliw ng Marcha Filipina Magdalo. Madamdamin man ang araw na ito ay pinatunayan naman ng mga Pilipino sa mundo ang kakayahan sa pagsasarili. Ang bandilang naiwagayway sa Cavite ay ginawa pa sa Hong Kong nina Marcela at Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza de Natividad. Ang Marcha Nacional Filipina ay komposisyon naman ni Julian Felipe na nilapatan lamang ng titik ni Jose Palma. Kinilala ng US ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Ngunit sa bisa ng Republic Act 4166 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964, ang Hunyo 12 ang naging opisyal na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ang Kongreso ng Malolos 
:


Ang Unang Republika ng Pilipinas o Unang Republika Pilipina (opisyal na tinawag na República FilipinaInglesPhilippine RepublicLumang Tagalog:Repúbliká ng̃ Filipinas) ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 231899 saMalolos, Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, ang Pangulo ng republika, sa mga sundalong Amerikano noong Marso 231901 saPalanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.

Ang pagtatatag ng Republika ng Pilipinas ang naging pinakamahalagang pangyayari sa rebolusyon ng mga Pilipino laban sa pamamahala ng mgaEspanyol. Ipinahayag ang kalayaan noong Hunyo 121898 at ang pamahalaang diktatoryal na umiiral noon ay pinalitan ng pamahalaang rebolusyonaryo na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo bilang pangulo noong Hunyo 23, 1898.

Nagkaroon ang republikang ito ng Kongresong nagsilbing tagapayo ni Aguinaldo.

 Ang Kasunduan sa Paris :


Ang Kasunduan sa Paris, na nilagdaan noong Disyembre 10, 1898, ay ang nagpatapos ng Digmaang Espanyol-Amerikano. Nasasaad sa kasunduan ang pagpapalaya sa bansang Cuba, ang paglilipat ng pamumuno sa Estados Unidos sa mga bansang Portoriko at Guam, at ang pagbili sa Pilipinas mula sa Espanya sa halagang $20,000,000 ng Estados Unidos.

Commissioners from the United States and Spain met in Paris on October 1, 1898 to produce a treaty that would bring an end to the war after six months of hostilities. The American peace commission consisted of William R. Day, Sen. Cushman K. Davis, Sen. William P. Frye, Sen. George Gray, and the Honorable Whitelaw Reid. The Spanish commission was headed by Don Eugenio Montero Rios, the President of the Senate. Jules Cambon, a French diplomat, also negotiated on Spain’s behalf. The American commissioners negotiated in a hostile atmosphere because all Europe, except England, was sympathetic to the Spanish side.

Kabanata 5

ARALIN 16:

Simula ng Digmaan :

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano (InglesPhilippine-American War) ay isang digmaan sa pagitan ng hukbong sandatahan ngAmerika at ng Pilipinas mula 1899 hanggang 1913.

Ang labanang ito ay tinatawag ding Himagsikang Pilipino (Philippine Insurrection). Ang pangalang ito ay mas kadalasang ginagamit sa Estados Unidos, ngunit tinutukoy naman ng mga Pilipino at lumalaking bilang ng Amerikanong mananalaysay ang labanang ito bilang Digmaang Pilipino-Amerikano, at noong 1999, binago na ng U.S. Library of Congress ang lahat ng pagtukoy sa labanan na gamitin ang katawagang ito.

Labanan sa Visayas at Mindanao:

Visayas:

Ang Labanan ng Visayas fought sa pamamagitan ng US pwersa at Pilipino guerrillas laban sa Hapon mula sa Marso 18 – Hulyo 30 1945, sa isang serye ng mga aksyon na opisyal na itinalaga bilang Operations Victor ko at II, at bahagi ng kampanya para sa pagpapalaya ng Pilipinas sa panahon ng World War II . Labanan ay waged upang makumpleto ang mahuling muli ng gitnang bahagi timog ng kapuluan at secure ang mga ito mula sa natitirang ng mga Hapon pwersa.

Mindanao:
Ang Labanan ng Mindanao ay fought sa pamamagitan ng Estados Unidos pwersa at magkakatulad Pilipino guerrillas laban sa Hapon mula 10 Marso – 15 Agosto 1945 sa Mindanao isla sa Philippine Archipelago, sa isang serye ng mga aksyon na opisyal na itinalaga bilang Operasyon Victor V, at bahagi ng kampanya para sa ang pagpapalaya ng Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig . Labanan ay waged upang makumpleto ang mahuling muli ng pinakatimog na bahagi ng kapuluan at secure ang mga ito mula sa natitirang ng mga Hapon pwersa.

Aralin 17:
Ang Pamahalaang Militar:

Ang naging pamamalakad ng Pamahalaang Militar na itinayo ng mga Amerikano sa Pilipinas mula nang matapos ang kunwa-kunwariang labanan sa Maynila sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya noong Agosto 13, 1898 hanggang bago ang pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899. Bagama’t pinalitan lamang ito ng isang pamahalaang sibil pagdating ng 1901, ang mga programa at gawaing pang-administratibo at pandiplomatikong isinulong nito sa unang anim na buwan ng kanyang pamamalakad ay mayroong mahalagang epekto sa mga susunod na mga pangyayaring magaganap sa bansa. Nais palitawin ng papel na ito na nagtagumpay ang pamahalaang militar sa pagtatayo ng pundasyon ng iba’t ibang sangay ng pamamahala tulad sa sistema ng edukasyon, kalusugan, at kapayapaan, subalit nabigo naman sa pagpigil sa tumataas na tensyon sa pagitan ng kanyang pwersa at mga tropa ni Aguinaldo na nagdulot naman ng angkop na kondisyon para sa digmaang kumitil ng libo-libong buhay at sumira ng maraming ari-arian at imprastraktura.

Ang Komisyong Schurman (1899):

Ang komisyong schurman ,kilala rin sa tawag na First Philippine Cimmission,ang unang komisyong Amerikano na ipinadala sa PIlipinas.Pinamumunuan ito ni Jacob Schurman.

Layunin ng Komisyong ito na siyasatin at alamin ang kalagayan ng Pilipinas upang maging batayan ng mga planong pagbabago na gagawin ng United States.Hangad din ng komisyong ito na ipaalam sa mga Pilipino ang layunin ng United States na tulungan ang Pilipinas na magtatag ng isang pamahalaan.Nais din nito na maging maayos ang ugnayan ng mga Amerikano at mga Pilipino dahil malaki ang maitutulong nila sa paglaganap ng kanilang kapangyarihan sa Asia.

Ang Komisyong Taft:

Ang Komisyong Taft, kilala rin bilang Ikalawang Komisyong Pilipino, ay ang komisyong itinatag noong 16 Marso 1900 na nagpasimula sa pagtatayo ng pamahalaang sibil sa Pilipinas noong panahon ng pagsakop ng Estados Unidos, sa utos ni PangulongWilliam McKinley. Sa panahon ng pag-iral ito, nagsilbi bilang tagapagbatas ng Pilipinas ang Komisyon sa ilalim ng soberanya ng Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

Ang Pamahalaang Sibil:

Ang pamahalaang sibil ay ang pamahalaang itinatag ng mga Amerikano noong 1901, at sila-sila din ang mga namuno dito. Kongreso na rin ng Estados Unidos ang nagpatibay nito noong Marso 2, 1901. Inilipat ang pamamahala ng Pilipinas sa Kongreso. At hinirang ni McKinley si William H. Taft bilang unang gobernador-sibil ng Pilipinas.

Upang mailipat ang pamamahala sa pilipinas sa kamay ng mga sibilyan ay ipinagtibay ng kongreso ang susog spooner.

Si senador John C. Spooner ay ginamit ang badyet ng hukbo para sa pagtatag ng pamahalaang sibil sa pilipinas at dahil dito winakasan ng pamamahala ng militar at inilipat sa kongreso .

Ang pamahalaang sibil ay ang pamahalaang itinatag ng mga Amerikano noong 1901, at sila-sila din ang mga namuno dito. Kongreso na rin ng Estados Unidos ang nagpatibay nito noong Marso 2, 1901. Inilipat ang pamamahala ng Pilipinas sa Kongreso. At hinirang ni McKinley si William H. Taft bilang unang gobernador-sibil ng Pilipinas. Itinatatag noong hulyo 1,1901

Ang Batas Cooper o Batas ng 1902:

Ang Batas Cooper o mas kilala sa tawag na Batas ng Pilipinas ng 1902 ay isang batas na ipinatupad ng Komonwelt ng noong 1902. Ito ang kaun-unahang batas na pinagtibay at inaprubahan sa kongreso ng Amerika. Ang batas na ito ay nagtatadhana ng talaan ng karapatan, paglikha ng ilang kagawaran ng pamahalaan at asemblea sa Pilipinas gayundin ang mabuting pangangalaga sa mga likas na yaman.

ARALIN 18:

Mga Pagbabago sa Pamumuhay at Kultura:

                                 Malaki ang naging impluwensya ng mga Amerikano sa kultura at sining ng mga Pilipino.

                                  Wikang Inggles: Sapilitan ang pag-aaral ng wikang ito. Ito ang ginamit na wikang panturo sa lahat ng mga paaralan.

Ang dating mga pangalang Espanyol tulad ng Pedro, Juan, Maria, Tomas, Jose at iba pa ay naging Peter, John, Mary,Tom, Joe at iba pa. Maging ang mga paraan ng pagbati at katawagan ay naging English tulad ng Hello at Bless po. Ang Inang ay naging Mommy at ang Amang ay naging Daddy.

                                    Panitikan: Sumilang ang isang bagong anyo ng panitikan na nasusulat sa wikang English kahit pa nga naglalahad ng mga saloobin at adhikaing Pilipino. Ang unang makatang Pilipino sa wikang English na tumanyag ay si Fernando Maramag. Ang unang nobelang English ay isinulat ni Zoilo M. Galang noong 1921. Ang una namang sumikat na mamamahayag sa English ay si Carlos P. Romulo. Pinalitan ng zarzuela ang moro-moro ng mga Espanyol. Si Severino Reyes, may-akda ng walang kamatayang Walang Sugat, ang pangunahing manunulat ng mga dulang pantanghalan. Ang panahon mula 1905-1930 ang ginintuang panahon ng zarzuelang Pilipino. Ngunit nang mauso ang pelikula mula sa Hollywood, unti-unting namatayang zarzuela at nahilig ang mga tao sa panonood ng pelikulang English.

Carlos P. Romulo

Carlos P. Romulo

Jose Garcia

Jose Garcia

                                        Sining: Umunlad din ang sining ng arkitektura, iskultura at pagpipinta. Sikat na mga arkitekto noon sina Juan F. Nakpil,Andres Luna de San Pedro, M. Arellano at Pablo S. Antonio. Sa larangan ng pagpipinta, natanyag si Fabian dela Rosa,pinakadakilang pintor ng panahon ng Amerikano, gayundin sina Fernando Amorsolo, Emilio Alvero at Victor C. Edades.

                                        Pananamit at Pagkain: Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng mga pantalong may sinturon at suspender, kurbata at polo shirt.Ang mga kababaihan ay natutong magsuot ng maiikling damit, palda at blusa, sapatos na may mataas na takong at manipis na medyas. Natuto rin silang maglagay ng make up. Natuto ang mga Pilipino na kumain ng sandwich,hamburger, hotdog, bacon, oatmeal, beef steak, ice cream, hamon at keso. Natuto silang gumamit ng mayonnaise at tomato catsusp bilang panangkap sa mga pagkain.

                                           Libangan, Musika at Sayaw: Natutunan ng mga Pilipino ang paglalaro ng basketball, baseball, football, boxing, tennis at poker. Naging bahagi ang pakikinig ng radyo, pagbabasa ng mga klasikong aklat at pagtungo sa mga karnabal.

jazz,swing,boogie-woogie, fox-trot, charleston at rhumba.

jazz,swing,boogie-woogie, fox-trot, charleston at rhumba.


Nakagiliwan naman ang tugtuging jazz at swing gayundin ang mga sayaw na boogie-woogie, fox-trot, charleston at rhumba.

ARALIN19:

PAGHAHANDA PARA SA KALAYAAN:

Noong 1905, inihayag ni Pangulong Roosevelt (Kasalukuyang pangulo ng Amerika) na may Kapayapaan at Kaayusan na sa Pilipinas. Naghanda ang bansa para sa halalan.

Theodore Roosevelt

Theodore Roosevelt

Lapiang Nasyonalista: Nagalalayong makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.

                                          Lapiang Progresista: Nagalalayong maghintay ng panahon hanggang umunlad ang kultura at kabuhayan bago humingi ng KALAYAAN.

Ang Asemblea ng Pilipinas:

  • 59 ang nahalal mula sa Nasyonalista
  • 16 ang sa Progresista
  • 5 mula sa Independiente
  • Sergio Osmenia- Speaker ng Asemblea
  • Manuel L. Quezon- Majority FLOOR LEADER
    Si Manuel Quezon at Sergio Osmenia

    Si Manuel Quezon at Sergio Osmenia

    Mga Nagawa ng Asemblea:

  • Pagtatag ng mga Bangko para sa mga magsasaka.
  • Pagpapalaganap ng Edukasyon sa bansa.
  • Pagpapaunlad ng Transportattion at Komunikasyon.
  • Pagpapagawa ng mga Patubig.
  • Itinatag ang kawanihan sa pag-gawa.
  • itinakda ang Mayo 1 bilang araw ng pag-gawa.
  • Itinatag ang Pambansang Aklatan.
Happy Labor Day

Happy Labor Day

National Library

National Library

Pilipinisasyon: Francis Hurton Harrison-Nagtiyak na magkaroon ng mas maraming Pilipinong opisyal at kawani sa pamahala ng bansa.

Francis Harrison

Francis Harrison

Civil Retirement Act No. 2581 :

  • Ayon sa batas na ito, ang sino mang kawani ng pamahalaan na naglingkod 6 na taon pataas ay maaari ng magretiro.
  • Ang mga Amerikanong nagretiro ay pinalitan ng mga Pilipino.

Philippine Autonomy Act 1916:

  • Tinatawag din na Batas Jones.
  • Itinadhana ng Batas Jones ang KASARINLAN ng Pilipinas.
  • Itinadhana din nito ang pagkakaroon ng 3 sangay ng pamahalaan.
  1.  EHUKUTIBO
  2. LEHISLATIBO
  3. HUDIKATURA
  • Itinakda din ng Jones Act ang pagkakaroon ng 2 KAPULUNGAN ng Lehislatura.

MABABANG KAPULUNGAN

  • 90 Kinatawan.
  • 81 Binoto ng mga Pilipino.
  • 9 Hinirang na Gobernador Heneral.

MATAAS NA KAPLUNGAN

  • 24 Na Senador
  • 22 Binoto
  • 2 Hinirang

VETO- Kapangyariha ng Gobernador Heneral na hindi pagtibayin ang batas na ginawa ng Batasan.

Enero 1917
  • Itinatag ang kauna-unahang kabinete na si RAFAEL PALMA- Hinirang bilang Kalihim ng Kagawarang Panloob.
Rafael Palma

Rafael Palma

Misyong Wood-Forbes:

Kauna-unahang misyong pangkalayaan

  • Pinamunuan nina Leonard Wood at William Forbes.
  • Iniulat nitong hindi pa handa ang Pilipinas para sa kalayaan dahil sa pagbaba ng uri ng gawaing pampubliko.
Wood-Fobes

Wood-Fobes

Misyong OSROX:

  • Hango sa apelyido nina Sergio Osmenia at Manuel Roxas.
  • Nagtagumpay ito bunsod ng pagkabahala ng U.S. na maging pabigat ang Pilipinas dahil sa paghina ng kanilang salapi at kalakalan.
Manuel A. Roxas at Sergio Osmenia

Manuel A. Roxas at Sergio Osmenia

Batas Hare-Hawes-Cutting:

  • Nagtakda ng 10 taon para sa Commonwealth.
  • Paghihiwalay ng Mindanao upang gawing Base Militar.
  • Pagtakda ng 50 quota ng mga Pilipinong dayo sa Amerika.

Tydings-McDuffie:

  • Ang Commonwealth ay tatagal ng 10 taon.
  • Pagkakaroon ng kumbensyong maghaahanda ng Saligang-Batas at plebisito na magpapatibay dito.
  • Pagtatakda ng Hulyo 4, 1946 bilang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Saligang-Batas 1935:

  • Tatlo ang sangay ng pamahalaan na may pantay-pantay na kapangyarihan.
  • Ang Panulo at Pangalawang Panulo ay ihahalal ng bayan.6 na taon ang panunungkulan.
  • Lehislatibo ng asemblea  na may 98 kagawad na may 3 taong panunungkulan.
  • Ang Hadikatura sa kataas-taasang Hukuman.
  • Ang pagkakaroon ng “Talaan ng mga karapatan”.

ARALIN 20:

Ang Malasariling Pamahalaan:

Ang Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas (InglesPhilippine CommonwealthKastilaMancomunidad Filipina) ay ang tawag pampulitika saPilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago ng 1935, isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos.

Ibinase sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt. Ayon sa batas, magiging panahong pantrasisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.

Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmeña ang ikalawang pangulo ng komonwelt. Si Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang Komonwelt noong 1946 at naging Republikaang Pilipinas.

Ang 3 aspekto sa mga pagbabago sa pamahalaang Commonwealth :
1.pagbabago sa mindanao 2.karapatan ng kababaihan 3.pagbabago sa edukasyon at relihiyon.

1. kahit sino ay pwedeng pumunta sa mindanao. nabuksan ang mga valley katulad ng korodonal valley ,mallig plain,at allah valley. binuksan ang mindanao sa mga pilipinong nais mandayuhan.

2. nakaboto at naihalal ang mga kababaihan sa panahon ng pamahalaang commonwealth. naihalal si Carmen Planas bilang kaunaunahang babaeng konsehal ng maynila . nahalal naman bilang kaunaunahang babaeng kongresista si elisa ochoa. may 24 na babae pa na naihalal .

3. edukasyon: nagkaroon ng dalawang pangkat sa umaga at sa hapon. ang bawat klase ay nagtatagal ng 160 minuto. ang edukasyong primarya ay sapilitan at libre.pagbawas mg 1 taon sa elementarya mula 7 naging 6.nagsisimila ang klase sa hulyo hanggang abril.probisyon tungkol sa pagtatag ng paaralang bokasyunal.may programa ukol sa edukasyon …

relihiyon:ang karapatan sa relihiyon ay kinilala sa panahon ng commonwealth , kaya lumawig ang ibat’ ibang relihiyon.

sa panahong ito nanatiling magkahiwalay ang simbahan at estado.

nakabuti ang paghihiwalay ng pamahalaan at simbahan.

One thought on “Jan Micho

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s